Cayetano nais mapalakas PNP IAS; police official sa Bicol lumabag sa “no gift policy”
Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na may matinding pangangailangan na mapalakas ng husto ang PNP – Internal Affairs Service (IAS) upang maging mas epektibo ang paglaban sa korapsyon sa hanay ng mga pulis.
Ayon kay Cayetano dapat ay maramdaman ng mga pulis na ang tanggapan na nag-iimbestiga ng mga kaso o reklamo sa mga pulis ay may kakayahan na papanagutin sila.
Inirekomenda ng senador na mailipat sa National Police Commission (Napolcom) ang PNP-IAS mula sa Office of the Chief PNP.
Katuwiran niya mas may kalayaan ang IAS na imbestigahan ang anumang kaso nang walang takot at walang nakikialam.
Bukod dito, nais din ni Cayetano na maging mabilis ang promosyon at pagandahin pa ang mga benepisyo ng mga pulis.
Samantala, isang opisyal ng PNP sa Albay ang isinumbong ng paglabag sa ipinatutupad na “No Solicitation, No Gift” policy.
Nabunyag ang panghingi ng pamasko ng hindi pa pinangalanan na opisyal nang mapikon ito at isoli ang “regalo” sa kanya.
Diumano nainsulto ang pulis dahil maliit lamang ang halaga na ibinigay sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.