P150 wage hike bill posibleng lumusot sa Senado sa Pebrero

By Jan Escosio December 18, 2023 - 11:51 AM

SENATE PRIB PHOTO

Sa darating na buwan ng Pebrero ay maaring makalusot na sa Senado ang isinusulong na P150 legislated wage hike.

Ito ang ibinahagi ni Senate President Juan Miguel dahil aniya natapos na ng Committee on Labor ang committee report matapos ang ilang pagdinig ukol sa panukala.

Layon ng panukala na mabigyan ng umento sa sahod ang mga mangggagawa sa pribadong sektor.

Ayon pa kay Zubiri na posible na sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Enero 23 ay maisponsoran na ang panukala sa plenaryo at maaprubahan sa Pebrero.

Banggit pa niya na ito ay pagtupad sa kanyang pangako na patuloy na isusulong ang mga panukalang magsusulong nga kapakanan ng mamamayan.

 

TAGS: senate, wage hike, zubiri, senate, wage hike, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.