Palpak na serbisyo ng BATELEC II inirereklamo na ng mga residente

By Chona Yu December 18, 2023 - 10:03 AM

 

Umaangal na ang mga residente ng Batangas dahil sa hindi maayos na serbisyo ng Batangas II Electric Cooperative (BATELEC II).

Kabilang sa mga lugar na siniserbisyuhan ng BATELEC II ang mga bayan sa San Juan, Taysan, Lobo, Rosario, Mabini, Tingloy, Bauan, San Pascual, Ibaan, Alitagtag, Cuenca, San Jose, Mataas na Kahoy, Balete, Padre Garcia, Malvar, Talisay, Laurel, at Batangas City.

Ayon kay Nina Balogo, local business owner sa Taysan, apektado na ang kanyang negosyo dahil sa palagiang brownout.

Hindi aniya biro ang operasyon ng piggery kung walang suplay ng kuryente dahil apektado nito ang supaly ng tubig na pangunahing pangangailangan ng mga baboy.

Sinabi naman ni Mae Panganiban na bilang isang maybahay sa Lobo, apektado na ang kanilang kalusugan. Nagkakasakit na aniya ang kanyang pamilya dahil sa mainit na panahon.

Dahil sa hindi maayos na serbisyo ng BATELEC II, naapektuhan na rin ang mga work-from-home employees na umaasa sa kuryente at internet.

Ayon kina Both Ruth Manguiat ng Mabini at Yanna Yee ng Lipa City, kailangan pa nilang maghanap ng ibang lugar na may stable na suplay ng kuryente para makapagtrabaho.

Nangangamba rin ang mga residente na dahil sa hindi stable ang kuryente, masira ang mga appliances.

Dismayado na rin sina Lobo, Batangas, Councilor John Michael Anyayahan at Councilor Mark Tiu sa hindi maayos na serbisyo ng BATELEC II.

Katunayan, nagpasa na ng resolusyon ang dalawa para ireklamo ang BATELEC II.

Umaasa ang dalawang opisyal na aabot sa Kongreso ang resolusyon at mabibigyan ng kaukulang aksyon.

Bilang tugon, agad na naghain ng resolusyon si  House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Representative Erwin Tulfo para ipatanggal ang prangkisa ng BATELEC II.

Sa panig ni BATELEC II Consumer Services and Public Relations Manager Joan Orias, sinabi nito na ang nararanasang power interruptions ay bunsod ng mga nagdaang bagyo kung saan nasira ang mga linya ng kuryente.

Nasa 90 percent ng Batangas na prime tourist destination at highly industrialized province ay siniserbisyuhan ng BATELEC I at BATELEC II.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.