Pumalag si dating Pangulong Noynoy Aquino sa multiple homicide case na isinampa laban sa kanya kaugnay ng pagkamatay ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa isang maikling statement ay nagpahayag si aquino ng concern na ang mga nagsampa ng kaso, sa pagsusulong umano nila ng kanilang layunin, ay lalo lang pinahihirapan ang mga naulila ng SAF 44.
“the loss of the saf 44 is a tragedy. i reiterate that if my instructions to then-SAF Director Getulio Napeñas were followed to the letter, perhaps the risks of the operation could have been minimized, and that this tragedy could have been averted,” pahayag ni dating Pangulong Aquino.
Nagtataka rin umano si Aquino kung paano susuportahan ng abogado ng mga nagreklamo na si Atty. Ferdinand Topacio ang anya’y katawa-tawang akusasyon kaugnay ng Mamasapano incident. Sa tingin daw ni Aquino, ito ang maaasahan mula sa isang anya’y kulang sa pansin na gaya ni Topacio.
Dahil dito ay inutusan ni Aquino ang kanyang mga abogado na pag-aralan ang mga posibleng aksyon laban sa mga nag-uudyok ng pagsasampa ng mga kaso na anya ay pawang harassment lamang.
Si Aquino ay sinampahan sa Office of the Ombudsman ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman dahil sa umanoy papel nito sa Oplan exodus, ang operasyon laban sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na ikinamatay ng 44 elite troopers ng SAF noong January 25, 2015.