Tulong ng LGUs kailangan sa pagpapaba ng presyo ng mga bilihin – Win

By Jan Escosio December 15, 2023 - 03:20 PM

SENATE PRIB PHOTO

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na may magagawa ang mga lokal na pamahalaan para maibaba ang halaga ng mga bilihin lalo na ngayon Kapaskuhan.

Paalala ni Gatchalian na dapat ay istriktong nasusunod ang Executive Order 41 ni Pangulong Marcos Jr., na nagbabawal ng pangongolekta ng “pass-thru” fees sa mga sasakyan na may kargang pangunahing pangangailangan at dumadaan sa mga lansangan na hindi ipinagawa ng lokal na pamahalaan.

Layon aniya nito na matiyal ang paggalaw ng mga kalakal at mapasigla pa ang mga lokal na industriya.

“Dumaan man sa national o lokal na pampublikong kalsada, dapat suspindihin ng mga LGU ang pagkolekta ng mga fee dahil makakadagdag ito sa transportation at logistics cost na kadalasan ding nadadagdag sa presyo ng mga bilihin,” sabi ni Gatchalian.

Pinatitiyak ng senador na sakop ng naturang kautusan ni Pangulong Marcos Jr., ang lahat ng mga produktong-agrikultural.

Dagdag pa niya dapat din ay tiyakin ng mga pamahalaang-panglalawigan na may mga pasilidad na maaring mapag-imbakan ng mga produktong-agrikulural at tiyakin na maipagbibili ang mga ito sa mga pamilihan.

“Kailangang tanggapin ng mga LGU ang responsibilidad sa pagpapatupad ng mga inisyatibo ng supply chain na magtitiyak sa pagkakaroon ng abot-kayang mga bilihin ng pagkain,” sabi ni Gatchalian.

TAGS: basic commodities, LGUs, Presyo, Se. Win Gatchalian, basic commodities, LGUs, Presyo, Se. Win Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.