Dengvaxia cases ipinag-utos ng Quezon City court na pag-isahin

By Chona Yu December 15, 2023 - 02:55 PM

Nagdesisyon ang isang korte sa Quezon City na atasan ang mga taga-usig ng gobyerno na pag-isahin na lamang ang lahat na mga kaso na kinalaman sa dengvaxia vaccines.

Inutusan ni Quezon City RTC Branch 229 Presiding Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic  state prosecutors na pag-isahin na lamang ang 35 kasong kriminal na isinampa ng mga magulang ng biktima ng dengvaxia vaccine.

Ayon kay Girlie Samonte, isa sa mga magulang na naturukan ng dengvaxia ang anak, hindi maaring pag-isahin ang mga kaso dahil magkakaiba ang sitwasyon at dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

Magkakaiba rin aniya ang kanilang lugar na pinanggalingan at magkakaiba ang petsa ng kamatayan ng mga batang nasawi.

Pinag-aaralan na rin ng mga magulang na maghain ng motion for reconsideration o ipa-inhibit si Betic sa kaso.

Mula Hunyo hanggang Agosto ngayon taon, 35 magkakahiwalay na kaso ng homicide at reckless imprudence resulting in serious physical injuries ang isinampa ng mga magulang laban kay dating Health Sec. Janette Garin at 17 iba pang opisyal at doktor ng Department of Health (DOH).

TAGS: court, Dating DOH Sec. Janette Garin, Dengvaxia, DOJ, QC, court, Dating DOH Sec. Janette Garin, Dengvaxia, DOJ, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.