Sonia Malaluan, bagong mamumuno sa MARINA

By Chona Yu December 15, 2023 - 02:49 PM

SONIA MALALUAN FB PHOTO

Itinalaga ni Pangulong  Marcos Jr. si Sonia Bautista Malaluan bilang bagong administrator ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Papalitan ni Malaluan si Hernani Fabia na una nang nagbitiw sa puwesto.

Sabi ni Pangulong Marcos Jr., karapat dapat sa puwesto si Malaluan dahil sa malawak na training at karanasan sa economics, technology, finance, law, management, public utility at iba pang aspeto sa maritime industry.

Bago naitalaga sa puwesto, nagsilbi si Malaluan bilang Deputy Administrator for Planning ng MARINA noong Nobyembre 23,2022 base na rin sa rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista.

Nagsilbi rin si Malaluan bilang Director II ng MARINA noong Nobyembre 2014 hanggang Nobyembre 2022; Maritime Attaché sa London noong 2018; Chief Accountant noong Disyembre 2001 hanggang Abril 2014; at Chief Transportation Development Officer noong 2001.

Nabatid na si Malaluan ay isang Certified Public Accountant at nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce sa Western Philippine College noong 1987 at may Master’s degree in Science in Shipping Management sa World Maritime University, Sweden nong 1998. May Master’s degree sa Public Administration si Malaluan sa Singapore’s National University, Lee Kwan Yew School of Public Policy noong 2011.

TAGS: dotr, MARINA, dotr, MARINA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.