Food stamps, importation pambawas sa epekto ng El Niño

By Jan Escosio December 15, 2023 - 02:41 PM

Planong paigtingin ng gobyerno ang pamamahagi ng food stamps, gayundin ang importasyon ng mga pangunahing bilihin upang maibsan ang mga posibleng  epekto ng El Niño.

Ibinahagi ito ni  National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan at aniya makikipag-ugnayan sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mas mabilis at malawak na pamamahagi ng pagkain.

Ukol naman sa importasyon ng mga pagkain, makikipagtulungan sila sa Department of Agriculture (DA).

Ang mga ito aniya ay para mapanatili ang suplay ng mga pangangailangan.

Sa pagtataya ng mga eksperto mararamdaman ang epekto ng El Niño hanggang sa unang kalahati ng susunod na taon at maaring maapektuhan ang 65 lalawigan.

Banggit pa ni Balisacan na kumikilos na ang El Niño Task Force para sa ugnayan ng mga kinauukulang ahensiya sa layon na hindi lubos na maramdaman ang epekto nito sa suplay ng tubig, kalusugan at kaligtasan.

Pinalawig na rin ang pansamantalang pagbawas sa taripa ng mga pangunahing produktong pang-agrikultura tulad ng karne ng baboy, mais at bigas.

 

TAGS: Agriculture, El Niño, Energy, import, neda, water, Agriculture, El Niño, Energy, import, neda, water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.