E-lotto test run ng PCSO umarangkada na

By Jan Escosio December 15, 2023 - 02:22 PM

Inilunsad na ng  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang bagong electronic lottery o e-lotto.

Si PCSO General Manager Mel Robles ang nagpaliwanag  ng e-lotto na aniya ay digital version ng tradisyunal na lotto.

Aniya sa e-lotto mas magiging madali at mabilis na ang pagtaya sa lotto sa pamamagitan ng pagpili ng mga kombinasyon ng mga numero para makuha ang jackpot prize.

Dagdag pa ni Robles, ang bagong bersyon ng online lotto ay panlaban  sa mga illegal online number games na umaagaw ng kita ng gobyerno.

Kumpiyansa ang opisyal na maghahatid ng karagdagang kita sa PCSO ang e-lotto kayat mas mapapaigting ang kanilang mga programang pangkawanggawa.

Ang e-lotto ay nasa website ng PCSO at sa susunod na taon ay malalaro na ito sa cellphone.

Ayon pa rin kay Robles, isang taon ang test run ng e-lotto.

 

TAGS: Lotto, pcso, Lotto, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.