Mahigit 600 na sasakyan ipinangtapat ng MMDA, LGUs sa tigil pasada

Kuha ni Rod Lagusad

 

Nasa mahigit 600 na rescue vehicles ang inihanda ng Metro Manila Development Authority at iba pang local government units para ipangtapat sa ikinasang tigil pasada ng grupong Piston.

Ayon sa MMDA, inatasan naman ang mga traffic enforcers na paigtingin ang traffic management at umasiste sa crowd control sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta.

Agad ding nagsagawa ng monitoring sina MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez kasama ang Inter-Agency Task Force sa MMDA Communications and Command Center (MMDA-CCC).

Inalam ng mga opisyal ang lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada ng grupong Piston sa kanilang  pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

 

Read more...