Pagkuha ng 673 na faculty positions sa MSU, aprubado ng DBM

 

Inaprubahan na n Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagkuha ng karagdagang 673 na permanenting faculty positions sa siyam na campuses sa Mindanao State University.

Ayon kay Pangandaman, kauna-unahan ito sa kasaysayan ng MSU.

Nasa P334.24 milyon ang inilaang pondo para sa pagkuha ng mga faculty personnel.

Sabi ni Pangandaman, ang initial funding requirements ay kukunin sa Personnel Services (PS) allotment na available sa MSU campus.

Nagkaroon ng biglaang pagdami ng mga estudyante na nagpa-enrol sa naturang eskwelahan kung kaya nagkaroon ng expansion sa academic programs sa nakalipas na tatlong dekada nang wala namang dagdag na pondo para sa personnel.

Naniniwala si Pangandaman na dahil sa naturang hakbang, mapalalakas ang sektor ng edukasyon.

Sabi n Pangandaman, malaki ang tsansa na gumanda ang buhay ng isang Filiino kung mabibigyan lamang ng oportunidad sa edukasyon.

Ito rin aniya ang dahilan kung para prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang edukasyon.

Matatagpuan ang mga MSU campus sa General Santos City, Sulu, at Marawi.a

Read more...