Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat upang magkaroon ng sapat na suplay at mapanatiling mababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Kasabay nito, ibinahagi ni Romuldez ang paglalaan ng pondo sa 2024 national budget para sa maibaba ng hanggang kalahati ang presyo ng bigas para sa pitong milyong pamilyang Filipino, na may katumbas naman na 28 milyong indibiduwal.
Aniya ito ang tugon ng Kongreso sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr., na gumawa ng paraan na maibaba ang presyo ng bigas para sa mga mahihirap na Filipino.
Paliwanag ni Romualdez na ito ay pagpihit sa Cash and Rice Distribution Program at paliwanag niya tatanggap ng rice discount voucher sa mga mahihirap na pamilya na gagamitin nila sa pagbili ng 25 kilo ng bigas sa murang halaga.
Ikakasa ang programa sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan.