Speaker Martin Romualdez ipinangako ang abot-kayang bigas

By Jan Escosio December 12, 2023 - 06:22 PM

OSMR PHOTO

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat upang magkaroon ng sapat na suplay at mapanatiling mababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Kasabay nito, ibinahagi ni Romuldez ang paglalaan ng pondo sa 2024 national budget para sa maibaba ng hanggang kalahati ang presyo ng bigas para sa pitong milyong pamilyang Filipino, na may katumbas naman na 28 milyong indibiduwal.

Aniya ito ang tugon ng Kongreso sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr., na gumawa ng paraan na maibaba ang presyo ng bigas para sa mga mahihirap na Filipino.

Paliwanag ni Romualdez na ito ay pagpihit sa Cash and Rice Distribution Program at paliwanag niya tatanggap ng rice discount voucher sa mga mahihirap na pamilya na gagamitin nila sa pagbili ng 25 kilo ng bigas sa murang halaga.

Ikakasa ang programa sa tulong ng Department of Social  Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan.

 

 

TAGS: Bigas, discount, dswd, LGUs, Romualdez, Bigas, discount, dswd, LGUs, Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.