Pagawaaan ng lambat nasunog sa Valenzuela City

By Jan Escosio July 01, 2016 - 03:44 PM

sunog canumay valenzuela - jan 1
Kuha ni Jan Escosio

Nasunog ang isang pagawaan ng mga lambat sa Barangay Canumay, Valenzuela City na umabot sa ikalimang alarma.

Pasado alas 11 kaninang umaga nang itawag sa Valenzuela city fire department ang sunog sa Philippine Fishing Corp.

sunog sa canumay valenzuela - jomar
Kuha ni Jomar Piquero

Ayon kay Fire Supt Jonas Silvanos, City fire marshall, agad binalot ng makapal at maitim na usok ang bodega dahil sa mga kemikal at lambat na nasunog.

Gamit ang kanilang breathing apparatus pinasok nila ang bodega ngunit naubusan din sila ng oxygen.

Aniya all accounted naman ang may 1,000 manggagawa na nagtatrabaho nang sumiklab ang sunog.

Banggit pa ni Silvanos kinukumpirma nila ang impormasyon na sa isang electric fan nagsimula ang sunog.

sunog canumay valenzuela jan 6
Kuha ni Jan Escosio

 

TAGS: 5th alarm, Canumay Valenzuela, Philippine Fishing Corp, sunog, 5th alarm, Canumay Valenzuela, Philippine Fishing Corp, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.