Pilipinas puwedeng humingi ng danyos sa napinsala ng China na Ph sea vessels

INQUIRER PHOTO

Ikinukunsidera ng Pilipinas ang mga legal na hakbangin para sa posibleng paghingi ng danyos sa China bunsod ng mga tinamong pinsala ng mga sasakyang-pandagat na nasa resupply mission sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon National Security Council (NSC) Asst. Dir. Gen. Jonathan Malaya ang pinsalang idinulot sa mga sasakyang pandagat ay paglabag sa “collission regulation.”

Noong nakaraang araw ng Linggo, gumamit ng water cannon ang Chinese Coast Guard para mapigilan ang civilian sea vessels sa paghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Hinatak na lamang ang M/L Kalayaan dahil napinsala ang makina nito dahil sa hakbang ng CCG.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi pa ni Malaya na maaring pag-aralan ng Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) ang pagsasampa ng mga kaso at pangangalap ng mga ebidensiya.

 

 

Read more...