Panukalang batas kontra agri-smuggling lusot sa Senado
Pumasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na magtatakda ng mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa agri product smuggling.
Paliwanag ni Sen. Cynthia Villar, ang sponsor ng Senate Bill No. (SBN) 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, layon nito na maituring na economic sabotage ang hoarding, profiteering, at ang pagkakaroon ng cartel ng mga produktong-agrikultural.
“Under the bill, the crime of agricultural smuggling as economic sabotage is committed when the value of each, or a combination of agricultural and fishery products smuggled by a person is at least P3 million using the daily price index computed at the time the crime was committed,” ani pa ni Villar.
Sa botong 18-0-0, ipawawalang-bisa ng panukala ang Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Una nang sinertipikahan ni Pangulong Marcos Jr., na “urgent” ang naturang panukala dahil sa isyu sa presyo at suplay ng mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda dahil sa hoarding at smuggling.
Sinabi pa ni Villar na nasa panukala na ang lahat ng mga kasi ay lilitisin sa Court of Tax Appeals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.