P5,000 gratuity pay sa mga kontraktuwal na empleyado, aprubado na ni Pangulong Marcos
May P5,000 gratuity pay ang mga kawani ng gobyerno na nagtatrabaho sa ilalim ng contract of service o mga job order.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Administrative Order No. 13 na nagbibigay ng one time gratuity pay sa mga COS at JO na nakapagtrabaho ng at least apat na buwan at ongoing pa hanggang sa Disyembre 15.
Kwalipikado sa makatatanggap nito ay mga COS at JO na nasa national government agencies, state universities and colleges, government owned and controlled corporations at local water districts.
Matatanggap ng mga kawani ang kanilang gratuity pay simula Disyembre 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.