Ilang kalsada sa Navotas at Valenzuela isasara para sa MMFF parade
Pinaiiwas ng Metro Manila Development Authority ang mga motorista sa Navotas hanggang sa Valenzuea sa Sabado, Disyembre 16.
Ito ay para sa gagawing Metro Manila Film Festival parade na magsisimula ng 2:00 ng hapon.
Ayon sa MMDA, ang magiging ruta ng MMFF parade ay sa Navotas Centennial Park, C4 Road, Samson Road at Mc Arthur Highway, hanggang Valenzuela People’s Park.
Aabot sa 8.7 kilometers ang lalakbayin ng parada ng floats sakay ang mga artista ng 10 pelikula na kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na tatagal ng tatlong oras.
Magpapatupad naman ng temporary lane closure at counterflow 12 ng tanghali hanggang 8 ng gabi sa Sabado sa:
- C-4 Road (mula Navotas Centennial Park hanggang A Mabini St.)
- Samson Road (mula A. Mabini St. hanggang Monumento Circle)
- Mc Arthur Highway (mula Monumento Circle hanggang C. Santos Street)
Sabi ng MMDA, asahan na ang matinding daloy ng trapiko.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa:
- Mula Malabon patungong Navotas, dumaan sa Gov. Pascual at M. H. Del Pilar Street
- Ang mga motoristang patungo sa Monumento ay maaaring dumaan sa Gov. I Santiago Road, M. H. Del Pilar Street, at Samson Road
- Maaari ring dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) northbound at southbound
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.