Isa pang bagyo posibleng tumama sa bansa bago matapos ang 2023

By Chona Yu December 12, 2023 - 02:06 PM

 

Isa pang bagyo ang maaring tumama sa bansa bago matapos ang taong 2023.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na may maliit na tsansa na isa pang bagyo ang papasok sa Pilipinas.

Sa Visayas o sa Mindanao maaring pumasok ang bagyo.

Pero ayon kay Servando, hindi naman inaasahang na magiging malakas ang bagyo.

Tiniyak din ni Servando na sapat ang suplay ng tubig sa mga dam at hindi kakapusin ang mga irigasyon maging ang potable water.

Hindi namana niya ito sapat na dahilan para hindi na magtipid sa paggamit ng tubig.

 

TAGS: Bagyo, el nino, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyo, el nino, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.