77 porsyento sa mga lugar sa bansa, tatamaan ng matinding tagtuyot

 

Nasa 77 porsyento ng lugar sa bansa ang makararanas ng matinding tagtuyot sa katapusan ng Mayo susunod na taon.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum, ito ay dahil sa El Nino phenomenon na inaasahang tatagal ng hanggang ikalawang quarter ng taong 2024.

Nasa 65 na probinsya ang makararanas ng drought habang pitong porsyento o anim na probinsya ang makararanas ng dry spell.

Sabi ni Solidum, dahil sa El Nino, nabawasan ang pag-ulan sa bansa ng hanggang 80 porsyento.

Below normal din aniya ang mga tumamang bagyo sa bansa sa nakalipas na buwan.

Sabi ni Solidum, kailangan ng kanilang hanay ang tulong sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig para maibsan ang epekto ng tagtuyot.

 

 

Read more...