P20,000 bonus sa mga empleyado ng gobyerno, aprubado na ni Pangulong Marcos
May ibibigay na service recognition incentive si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga empleyado ng gobyerno.
Batay sa Administrative Order No. 12, ang service recognition incentive (SRI) ay one-time grant sa pare-parehong halaga na hindi lalampas sa P20,000 bawat empleyado sa executive department.
Kabilang sa mga entitled na makatanggap ng incentive ay ang mga civilian personnel sa national government agencies (NGAs), saklaw ang mga nasa state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), regular, contractual o casual employees, mga miyembro ng militar at pulisya, maging ang mga fire at jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pasok din sa SRI grant ang mga personnel mula sa Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), mga empleyado ng Kongreso, Hudikatura, Office of the Ombudsman at Constitutional offices.
Kaugnay nito, maari ding makatanggap ng SRI ang mga empleyado sa mga local government units, kabilang na sa mga barangay, depende sa financial capability ng local government at subject sa limitasyon ng kanilang budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.