Umakyat sa 4,127,586 ang kabuuang bilang ng COVID 19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 254 kahapon.
Bunga nito, 3,876 ang aktibong kaso sa bansa sa kasalukuyan.
Tumaas naman sa 4,056,931 ang naitalang gumaling sa sakit para sa recovery rate na 98.3 porsiyento matapos may 818 na gumaling sa sakit mula Disyembre 7 hanggang 11.
Nasa 10.72 porsiyento naman ng 1,819 ICU beds ang kasalukuyang okupado, samantalang 15.4 porsiyento naman sa non-ICU beds.
Sa 1,875 mechanical ventilators, 89 ang kasalukuyang gamit.
Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na huwag maging kampante at sumunod pa rin sa minimum public health protocols.
MOST READ
LATEST STORIES