2,000 magsasaka sa Western Visayas binigyan ng titulo ng lupa ni Pangulong Marcos
May maagang pamasko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka sa Western Visayas.
Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng mga land title at kagamitang pang-agrikultura sa mahigit 2,000 na agrarian reform beneficiaries sa Passi, Iloilo.
Sa mensahe ni Pangulong Marcos, kinilala nito ang masipag na pagtatrabaho ng mga magsasaka at hinimok ang Department of Agrarian Reform na makipagtulungan sa iba pang ahensya para sa iba pang suportang kailangan.
“Para ituloy ang ating mga nagawa na dito sa agrarian reform, I ask the DAR to complete the distribution of lands to their deserving owners while collaborating with all the agencies of government to support our beneficiaries in anything that they might need,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So, to those who will be receiving their titles today— who have received their titles today, I urge you na pagbutihan ninyo at pagsamantalahan ninyo ng mabuti itong magandang pagkakataon na naibigay namin sa inyo dahil nga sa pagbigay ng titulo.” Dagdag ng Pangnulo.
Sabi ni Pangulong Marcos, nalagpasan na ng pamahalaan ang target na land distribution para sa taong ito.
Nasa 2,900 ektaryang lupa ang ipinamahagi sa mga magsasaka.
Pagtitiyak ng Pangulo, hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka.
“In the same manner, ito nga ‘yung aking sinasabi ang pag-deliver nga mga fertilizer, ng mga makinarya, mga facilities ay makakatulong upang makamtan natin ang ating hinahanap at ating pinapangarap na magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka, para sa ating mga sinasaka, at para sa mga susunod na henerasyon,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bukod sa mga titulo, namahagi rin si Pangulong Marcos ng farm machineries at iba pang gamit na nagkakahalaga ng P26.7 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.