Liza Masa ng Gabriela, itinalaga sa NAPC

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2016 - 01:01 PM SHARE(S):

NAPC Liza MasaNag-anunsyo ng tatlong bagong appointments sa pwesto sa gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa bagong talaga ni Duterte si Liza Masa ng militanteng grupong Gabriela bilang pinuno ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Inilagay din ni Duterte bilang kalihim ng bagong buong ahensyang Department of Information and Communications Technology (DICT) si Atty. Rodolfo Salalima.

Si Salalima ay dating Chief Legal Counsel ng Globe Telecom Incorporated.

Habang si dating National Food Authority (NFA) administrator Angelito Banayo naman ay itinalaga ng pangulo bilang resident representative ng Pilipinas sa Manila Economic Cultural Office (MECO) sa Taiwan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.