Mt. Bulusan muling nagbuga ng abo

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2016 - 12:25 PM

Mt. Bulusan, June 10, 11:40AM / From Phivolcs
Mt. Bulusan, June 10, 11:40AM / From Phivolcs

Matapos ilang araw na manahimik, muling nagbuga ng white steam plumes ang Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, may taas na 250 meters sa direksyong northwest ang ibinuga ng bulkan.

May naitala ring apat na volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag.

Sa ngayon, nananatiling nasa alert level 1 o abnormal level ang Mt. Bulusan at mas pinahigpit ang pagbabantay ng otoridad sa 4-kilometer permanent danger zone.

Huling nagbuga ng abo ang naturang bulkan noong nakaraang linggo na tinatayang aabot sa 200-metro ang taas.

 

 

TAGS: Mt. Bulusan, Mt. Bulusan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.