Naratipikahan na sa Senado ang proposed P5.768 billion 2024 national budget na nakapaloob sa 2024 General Appropriations Bill (GAB).
Ito ay sa kabila nang pagtutol ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
Sa inilatag na report ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance, binanggit nito ang inaprubahan na bicameral conference committee report ng 2024 GAB.
Ibinida pa niya ang ibinigay na karagdagang pondo sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa susunod na taon.
Ang Philippine Coast Guard (PCG ) ay may karagdagang P4.3 billion sa kanilang pondo.
Katuwiran ni Angara, sa naganap na pambobomba sa Mindanao State University (MSU) nararapat lamang na buhusan ng suporta ang security, defense at intelligence agencies.
Nanatili din ang nailaan na P9.5 billion confidential and intelligence fund ngunit ang pondo ay para lamang sa angkop na ahensiya na nangangalaga sa seguridad ng bansa at sambayanan.
Kapag naratipikhaan na ang 2024 GAB sa Kamara ay ipapadala na ito sa Malakanyang para mapirmahan ni Pangulong Marcos Jr., bago ang kanyang pag-alis patungo sa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.