Halos dalawang linggo bago ang araw ng Pasko, makakatanggap ang mga motorista ng maagang pamasko mula sa mga kompaniya ng langis.
Epektibo bukas, Disyembre 12, matatapyasan ang presyo ng mga produktong-petrolyo.
Bababa ng P1.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang P1.85 naman sa diesel o krudo at P1.40 naman sa kerosene.
Base ito sa magkakahiwalay na anunsiyo ng mga kompaniya ng langis.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ang paggalaw sa mga presyo ay base sa ipinapakitang pagkunsidera na ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ukol sa pagpapalawig pa ng bawas-produksyon.
Inaasahan din ng DOE na magpapatuloy pa rin sa mga unang buwan ng 2024 ang mababang pangangailangan sa langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.