Naghain ng resolusyon si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ang layon ay maimbestigahan sa Senado ang mga reklamo ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa ilalim ni Pastor Apolonio Quiboloy.
Binanggit ni Hontiveros sa kanyang Senate Resolution 884 na may isang grupo ng mga babae na kung tawagin ay “pastorals” na nasa matataas na posisyon dahil sa “special personal service” kay Quiboloy.
Pagbabahagi ng senadora na may mga nakatanggap siyang impormasyon ukol sa “pastoral” at ang mga ito ay binubuo pa ng ibat-ibang grupo.
“Some of these pastorals were still minors during their recruitment and during the period they were made to perform sexual services,” dagdag pa ni Hontiveros.
Bukod pa dito aniya pinipilit din umano ni Quiboloy ang ilan sa knayang mga miyembro, karaniwan mga menor de edad, na mamalimos o manghingi ng pera sa mga hindi kakilalala.
Kapag sumablay sa kanilang “quota” papaluin o hihiyain ng husto ang mga ito.
May mga nakalipas ng iskandalo sa KOJC na kinasasangkutan si Quiboloy.