December power rate rollback inanunsiyo ng Meralco
Matatapyasan ngayon buwan ang presyo ng kuryente na isinusuplay ng Manila Electric Company (Meralco).
Base sa anunsiyo, kabawasan na P0.7961 per kilowatt hour (kWh) ang magaganap ngayon buwan para bumaba sa P11.2584 per kWh mula sa P12.0545 per kWh noong November.
Nangangahulugan ito ng P159 kabawasan sa mga nakakakonsumo ng 200 kWh bawat buwan.
Sinabi ng Meralco na ang kabawasan ay higit pa sa naging pagtaas sa nakalipas na dalawang buwan.
Ang pagbaba ay bunsod nang bumabang singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers.
Bukod pa dito, bumaba din ang transmission charge, mga buwis , at iba pang singilin na bumubuo sa halaga ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.