Lex Leonum Fraternitas, Globe nagbigay tulong sa Biñan City school

Nagbigay ang Lex Leonum Fraternitas (LLF)Foundation, kasama ang Globe, ng supplemental feeding at device support sa mga estudyante at guro ng Pagkakaisa Elementary School sa Biñan City, Laguna kamakailan.

Ang LLF, na binubuo ng San Beda College of Law alumni members ng Lex Leonum, ay nagbigay ng supplemental meals para sa 1,500 estudyante sa public school, habang nag-donate ang Globe ng pitong laptops sa school faculty.

Ang feeding program ay isang regular outreach program ng LLF para mapagaan ang kalagayan ng mahihirap na esrudyante at magsumikap  na abutin ang kanilang mga pangarap.

Hangad din ng LLF na mahikayat ang mga estudyante na pumasok sa eskuwela na hindi iniintindi ang gutom.

Samantala, ang Globe ay matagal nang masugid na taga-suporta ng edukasyon, kung saan itinutulak nito ang pag-aaral bilang paraan para masugpo ang kahirapan at maisulong ang ligtas na online environment.

Sinabi ni Myrna Palma, ang principal sa Pagkakaisa Elementary School, ang laptops na kaloob ng Globe ay ipamamahagi sa   Kindergarten hanggang Grade 6 — at ipagagamit sa mga guro na walang sariling computers.

Pinangunahan ni Froilan Castelo, Globe Group General Counsel at LLF chairman, ang aktibidad, kasama ang iba pang mga miyembro ng organisasyon na sina Atty. Jan Vitug, Atty. Miko Alivia at Atty. Allan Jocson, mga miyembro ng LLF Executive Committee; at Steve Naguiat, na kinatawan si Biñan City Rep. Marilyn Alonte.

Read more...