Mga barko ng Pilipinas, binangga at binogahan ng water cannon ng China
Binangga at binogahan ng water cannon ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng regular rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nagkaroon ng seryosong engine damage ang mga barkong BRP Cabra, Unaizah Mae 1, at M/L Kalayaan dahil sa ginawa ng China.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na binangga ng China ang barko ng Pilipinas mula noong Oktubre sa bisinidad ng Ayungin Shoal.
Naitala ang panibagong insidente ilang araw bago ang nakatakdang Christmas convoy ng Atin Ito coalition sa West Philippine Sea sa Disyembre 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.