Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan

 

Bumaba ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 2.09 milyon na lamang ang walang trabaho noong Oktubre, mas mababa sa 2.26 milyon na walang trabaho noong buwan ng Setyembre.

Sabi ng PSA, ang unemployment rate noong Oktubre ay mas mababa ng 4.5 percent kumpara noong Steymbre at 4.5 percent na mas mababa kumpara noong Oktubre ng nakaraang taon.

Bumaba rin ang bilang ng underemployed na umabot na lamang sa 5.6 milyon. Mas mababa ito kumpara sa 5.11 milyon noong Setyembre at 6.67 milyon noong Oktubre 2022.

Sinabi naman ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na asahan pang mas lalakas ang labor market sa bansa  sa mga susunod na buwan lalot maraming naiuwing investment si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa ibang bansa.

 

Read more...