Ipagbabawal ng Philippine Coast Guard ang mga bata at matatanda na sumama sa ikinakasang Christmas convoy ng grupong Atin Ito coalition sa West Philippine Sea sa Disyembre 10.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, hindi “walk in the park” ang Christmas convoy.
Hindi maikakaila ayon kay Gavan na isang malaking usapin sa seguridad ang pagtungo ng Christmas convoy sa West Philippine Sea.
Sabi ni Gavan, asahan na rin ang malalakas na alon pagtungo sa West Philippine Sea dahil hindi maganda ang kondisyon ng dagat.
Pinag-aaralan pa aniya ng PCG kung papayagan ang 40 barko na maglayag patungo sa West Philippine Sea.
Magsisimula ang Christmas convoy sa El Nido dala ang mga regalo para sa mga sundalo, PCG personnel na nagbabantay sa West Philippine Sea.
“It’s not a walk in the park,” pahayag ni Gavan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.