La Salle champion sa UAAP basketball

 

Itinanghal na champion ang La Salle sa UAAP Season 86 men’s basketball finals sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Ito ay matapos talunin ng La Salle ang University of the Philippines sa iskor na 73-69 sa Game 3 finals.

Ito ang unang pagkakataon na na nag-champion ang La Salle mula noong 2016.

Nanalo ang La Salle matapos kumamamada ng 24 puntos, siyam na rebounds, apat na assists, at dalawang blocks si Kevin Quiambao na itinanghal din na most valuable player.

Matatandaang tinalo ng UP ang La Salle sa Game 1 subalit hindi na sila pinaporma sa Game 2 at 3.

 

 

 

 

Read more...