Tatlong bagong double decker bus, bumiyahe na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2016 - 10:34 AM

FB Photo / P2P bus
FB Photo / P2P bus

Epektibo ngayong araw, July 1, bumiyahe na ang karagdagang tatlong bagong double decker busses.

Ang tatlong mas malalaki at maluluwag na double decker busses na pag-aari ng kumpanyang Froehlich Tours Inc., ay may rutang Trinoma-Glorietta 5 at pabalik.

Ayon sa nasabing kumpanya, ang tatlong Brand New Higer KLQ unit na kanilang idineploy ngayong araw ay kauna-unahan sa buong mundo.

Mayroon itong 340hp Weichai EUR V engine, limampu’t dalawang fully reclining high back leather seats sa top floor, may CR at dalawang 2 wheelchair na mayroong wheelchair locks sa lower floor at sampung 10 PWD friendly sofa seats sa lower floor.

FB Photo / P2P bus
FB Photo / P2P bus

Mas maluwag ang ibabang floor ng mga bagong P2P busses para mas maginhawa sa mga PWD, senior citizen at mga buntis.

Mayroon ing 5 CCTV cameras ang mga bus at mayroong SPHEROS aircon system, na idinesensyo sa mga bansang mayroong tropical climates gaya ng Pilipinas.

 

TAGS: double decker bus, double decker bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.