Doing well na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos mag-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, may nakatakdang teleconference si Pangulong Marcos ngayong hapon.
Hindi naman tinukoy ni Garafil kung sino ang mga makakapulong ni Pangulong Marcos.
Lunes nang ianunsyo ng Palasyo ng Malakanyang na positibo sa COVID-19 si Pangulong Marcos at sumasailalim sa limang araw na isolation.
Taong 2020 nang unang tamaan ng COVID-19 si Pangulong Marcos at sinundan noong Hulyo 2022.
MOST READ
LATEST STORIES