16 patay matapos mahulog ang bus sa bangin sa Antique

(Courtesy: Iloilo City Emergency Responders)

 

Patay ang 16 katao matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Barangay Igbucagay, Hamtic, Antique.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, galing sa Iloilo ang Ceres bus at patungo sana ng Antique nang maaksidente.

Nabatid na lumagpas ang bus sa concrete barrier sa zigzag na bahagi ng Barangay Igbucagay.

Nasa mahigit 50 na pasahero ang sakay ng bus.

Isinugod na sa pagamutan ang ibang sugatang pasahero.

 

Read more...