PPP Code at Internet Transactions Act, batas na

By Chona Yu December 06, 2023 - 07:01 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Public-Private Partnership Code of the Philippines (PPP Code) at ang Internet Transactions Act of 2023.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang paglagda sa dalawang batas kahit nan aka-isolate sa Bahay Pangarap sa Malakanyang dahil nag-positibo sa COVID-19.

Isang ceremonial signing sana ang nakatakda kahapon sa Malakanyang para sa paglagda sa dalawang bagong batas subalit hindi na natuloy.

Ayon sa Pangulo, ang dalawang bagong batas ay nagpapakita ng commitment ng bansa at kahandaan na pabilisin ang pag-unlad at isulong ang digital economy.

Layon ng PPP Code na patatagin ang partnerships ng public at private sectors sa pagtugon sa kakulangan sa infrastructure systems.

Ang Internet Transactions Act naman ang magbibigay proteksyon sa mga mamimili at negosyante habang pinalalakas rin ang e-commerce.

TAGS: batas, Ferdinand Marcos Jr., Internet, news, Radyo Inquirer, batas, Ferdinand Marcos Jr., Internet, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.