Subsidiya sa Pasang Masda pinag-aaralan ni Mayor Belmonte
Ikinukunsidera ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang hirit ng grupong Pasang Masda na bigyan subsideya ang jeepney group sa programang Free Rides sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, pag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan an panawagan ni Pasang Masda National President Obet Martin na maisama ang kanilang hanay sa pag-subsidized ng lokal na pamahalaan sa Free rides dahil nadaanan na ng libreng sakay sa QC ang kanilang mga ruta sa lungsod.
Sinabi ni Martin na kung maisasama ang mga passenger jeep sa pag subsidized sa Free Rides ng lokal na pamahalaan ay hindi mababawasan ang kita ng kanilang mga miembro na dumadaan din sa mga kalsada na ruta din ng QC bus free ride.
Ang pagkakaloob ng Free Rides sa mga taga Quezon City , mga nagtatrabaho at may transaksyon sa QC ay naipatupad alinsunod sa Ordinance no SP-3184,S-2023 o Libreng Sakay sa QC bus .
Ang Libreng Sakay ay unang nailunsad sa QC noong panahon ng pandemic at naging batas na sa lungsod ang pagkakaloob ng Forever Free Rides dito dahil sa malaking tulong nito sa mga commuters para mabawasan ang kanilang gastusin sa pamasahe sa araw araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.