Marcos kumpiyansa sa isinusulong na Int’l Labor treaty sa Senado

By Jan Escosio December 05, 2023 - 04:01 PM

 

Kumpiyansa si Senator Imee Marcos na malapit nang maisapinal ng Senado ang isang international labor treaty para sa katulad na proteksyon sa mga informal workers at mga regular na empleyado laban sa pisikal, sekswal, psychological, at ekonomiyang pang-aabuso.

Sinabi ni Marcos, ang namumuno sa  Senate Committee on Foreign Relations, na handa siyang irekomenda ang International Labor Organization Convention 190 sa plenaryo ng Senado matapos makuha ang suporta ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at mga non-governmental organizations.

“Ang mga di-pormal na mga manggagawa ay bumubuo ng 42 porsyento ng lakas-paggawa ng bansa, karamihan sa kanila ay mga magsasaka, kasambahay, at mga gig workers sa mga industriya ng sining,” ayon sa senador.

Idinagdag ng senadora na maaaring mas mataas pa ang bilang kung makakagawa ng isang tumpak na pambansang imbentaryo sa mga informal workers.

Bukod sa mga informal workers, pinoprotektahan din ng kasunduan ang mga trainee, intern, apprentice, volunteer, aplikante ng trabaho, at mga manggagawang natanggal na sa kanilang trabaho.

Para sa ganap na pagsunod sa kasunduan, pinabubuo ni Marcos ang dalawang technical working group para matukoy kung aling mga pambansang batas ang dapat baguhin at upang mag-organisa ng isang mapagkakatiwalaang imbentaryo ng informal workers.

“Tatlumpu’t anim na bansa na ang nagratipika sa kasunduan at ang Pilipinas ay maaaring maging unang bansang Asyano na gagawa nito,” ayon pa kay Marcos.

TAGS: Imee Marcos, Labor, news, Radyo Inquirer, treaty, Imee Marcos, Labor, news, Radyo Inquirer, treaty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.