Nawawalang eroplano sa Isabela nakita na, lagay ng 2 sakay inaalam pa

By Jan Escosio December 05, 2023 - 03:47 PM

PAF PHOTO

Makalipas ang ilang araw na paghahanap, natagpuan na ng Philippine Air Force (PAF)  ang nawawalang eroplano  sa San Mariano, Isabela.

Sinabi ni Air Force spokesperson, Col. Maria Consuelo Castillo ang Piper Plane (RPC 1234) ay namataan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Casala ng mga tauhan ng kanilang Tactical Operations Group 2 gamit ang kanilang Sokol helicopter.

Aniya hindi nakalapit pa ng husto ang kanilang mga tauhan dahil sa malakas na hangin at fog at ipinaalam na lamang sa kanilang ground and search crew ang lokasyon ng eroplano.

Nabatid na tumulong din sa paghahanap  sa eroplano ang R44 aircraft ng Lion.

Nakahanda din ang parajumpers ng PAF at karagdagang rescue helicopters ng 505th Search and Rescue Group sa posibleng pagsasagawa ng “helirescue” kapag bumuti na ang panahon.

Wala naman naibahaging detalye ukol sa kalagayan ng piloto at pasahero ng eroplano, na napaulat na nawala noong Nobyembre 30 nang hindi na ito makalapag sa Cauayan Airport mula sa Palanan Airport.

TAGS: isabela, news, Philippine Air Force, Radyo Inquirer, isabela, news, Philippine Air Force, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.