Hontiveros umaasa na kikilos ang NTF-WPS laban sa China reclamation activities
Kumpiyansa si Senator Risa Hontiveros na kikilos ang gobyerno para mapigilan ang pinagsususpetsahang bagong reclamation at base-building activities sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).
Umaasa siya na ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang gagawa ng mga hakbang para hindi maituloy ang anumang balakin ng China.
Aniya higit pa dapat sa paghahain ng diplomatic protest ang gawin ng Pilipinas dahil binabalewala lamang ang hakbang na ito ng Pilipinas.
Banggit pa ng senadora, noong 2021 higit 200 sasakyang-pandagat ng China ang nakapalibot sa Julian Felipe Reef.
Sabi pa ni Hontiveros na ang mga bagong kaganapan ay patunay lamang na ang China ang nagsisimula ng gulo at hindi maaring baliktarin ito at sisihin ang Pilipinas.
Kasabay nito, todo papuri naman si Hontiveros sa Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa kabila na higante ang China ay hindi nagpapatinag ang ating puwersa para lamang maipatupad ang kanilang mandato.
Kayat nararapat, diin ng senadora, na palakasin ng husto ang puwersa ng PCG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.