DOH tiniyak na walang “walking pneumonia outbreak” sa Pilipinas

 

 

Nilinaw ni Health Sec. Teodoro Herbosa na walang outbreak ng tinatawag na “walking pneumonia” sa bansa.

Ayon kay Herbosa bagamat may paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng “respiratory diseases” sa ngayon, ito aniya ay dahil sa kasalukuyang panahon.

Dagdag pa ng kalihim na totoo na dumadami ang kaso ng respiratory illness sa China at ilang bansa sa Europa, hindi ito dulot ng bagong virus.

Ito aniya ay dati ng microbes, microplasma, pneumonia, respiratory syncytial virus at influenza.

Kayat, muling nagpaalala ang kalihim na patuloy na sumunod sa minimum health public protocols kabilang ang social distancing, pagsusuot ng mask at pagtatakip ng bibig at ilong kung uubo o may sipon.

 

Read more...