Leila de Lima naitalagang tagapagsalita ng Liberal Party

 

Napili ng Liberal Party si dating Senador Leila de Lima bilang opisyal na tagapagsalita ng partido.

 

Papalitan ni de Lima si Attorney Barry Gutierrez na tagapagsalita ng LP.

 

Magsisilbi namang presidente ng LP si Congressman Edcel Lagman habang si dating Senador Kiko Pangilinan ang magsisilbing chairman.

 

“I hope to convey our Party’s message of reforms and advocacy on good governance, social justice and civil liberties. Muli, salamat sa patuloy na tiwala ng LP at sa pagkakataong ito,” pahayag ni de Lima.

 

“Sama-sama po nating palakasin ang ating boses at paninindigan para sa ating kolektibong adhikain para sa LP at sa minamahal nating bansa, kung saan sa taumbayan nagmumula ang tunay na kapangyarihan. Tuloy ang laban!,” pahayag ni de Lima.

Read more...