P30 milyong ayuda ipinamahagi ng NHA sa mga biktima ng Bagyong Odette

By Chona Yu December 05, 2023 - 12:17 PM

 

Binigyan ng pinansyal na ayuda ng National Housing Authority ang may 3,258 na pamilya na nawalan ng tahanan sa Palawan.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ibinigay ang ayuda ilang araw bago ang ikalawang anibersaryo ng Super Typhoon Odette.

Sabi ni Tai, nasa P30.98 milyon ang ipinamigay sa mga biktima ng bagyo.

“Tanggapin po ninyo ang munting halagang aming dala ngayong araw bilang pandagdag sa pagpapaayos ng inyong mga tahanan at sa iba pang gastusin. Hangad po namin sa NHA ang inyong kaligtasan at isang komportableng buhay,” pahayag ni Tai.

Ayon kay Tai, ang pamimigay ng ayuda ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na pagtuunan ng pansin ang pamamahagi ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.

Galing aniya ang pondo sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.

Disyembre 2021 nang hagupitin ng Bagyong Odette ang Pilipinas.

Bukod sa pamamahagi ng EHAP, nakibahagi din ang NHA sa Lab for All service caravan ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos noong ika-5 ng Disyembre 2023 na ginanap sa Provincial Capitol Convention Center sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa nasabing caravan, ibinahagi ng NHA ang impormasyon tungkol sa mga programang pabahay ng ahensya at nagbigay ng limang housing units si Tai sa mga maswerteng benepisyaryo sa caravan.

Ang mga naturang hakbang ay bahagi ng Build Better and More housing program ni Tai na siyang pangako ng NHA upang makatulong sa pag-abot ng pangarap ng Pangulo na isang Bagong Pilipinas.

TAGS: ayuda, Bagyong Odette, National Housing Authority, news, Palawan, Radyo Inquirer, ayuda, Bagyong Odette, National Housing Authority, news, Palawan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.