Bilang ng bagong COVID-19 cases tumaas ng 10 porsiyento
Pagpasok ng huling buwan ng taon ay tumaas ang bilang ng mga bagong tinatamaan ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo.
Sa inilabas na impormasyon ng Department of Health (DOH), mula noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, 1,340 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Lumabas na ang bagong daily average rate ay 191 na 10% mas mataas kumpara sa sinundan na isang linggo.
Sa mga bagong kaso, 11 ang malubha at kritikal ang kondisyon.
Samantala, walang pumanaw dahil sa nabanggit na sakit mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 4.
Patuloy ang paalala ng kagawaran na patuloy ang pagsunod sa minimum public health standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.