Tolentino nangangamba sa WPS Christmas Convoy, nanawagan ng dasal

By Jan Escosio December 05, 2023 - 07:48 AM

 

Nagpahayag ng pangamba si Senator Francis Tolentino para sa isasagawang Atin Ito Christmas Convoy patungo sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Kayat nanawagan ang senador ng dasal at suporta para sa mga lalahok sa naturang aktibidad. 

“Ang akin pong pangamba ay harangin sila ng mga dambuhalang barko ng Tsina at palubugin sila,” ani Tolentino.

Sen. Tol also said that he hopes that the same will not happen to the mass that will be held upon arrival of the said convoy.

Dagdag pa niya; “Huwag naman pahintulutan ng ating Panginoon na matulad sa nangyari sa Mindanao na nagmi-misa lamang ay pinasabog pa.”

Kasabay nito ang kanyang panawagan para sa mga biktima at naapektuhan ng mga malalakas na lindol sa Mindanao.

TAGS: Christmas, Convoy, francis tolentino, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, Christmas, Convoy, francis tolentino, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.