Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF, “agreement with the devil” ayon kay VP Duterte

Isang kasunduan sa demonyo ang joint statement ng pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front na bigyan ng panibagong panimula ang usaping pangkapayapaan o epace talks.

Sa talumpati ni Vice President Sara Duterte sa ika-limang anibersaryo ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi nito na “an agreement with the devil” ang nasabing kasunduan na ginawa sa Oslo, Norway.

“Mr. President, the government’s statement with the NDFP in Oslo was an agreement with the devil. Napatunayan na natin sa kasaysayan na hindi sila seryoso at wala silang sinseridad sa usaping pangkapayapaan. Gagamitin nila itong peace negotiation sa pagtraydor sa pamahalaan at paglinlang sa taumbayan. We appeal to your power to review these proclamations and agreements,” pahayag ni Duterte.

“Apo BBM, sana po ay isaalang-alang natin ang ating mga komunidad na naging pugad ng mga terorista sa mahabang panahon na ngayon ay lumalaban na at tumutulong sa pamahalaan. Let us honor the memory of those who died in the senseless and bloody attacks of the NPA-CPP-NDFP,” pahayag ni Duterte.

Hindi rin pabor si Duterte sa pagbibigay ng amnestiya kamakailan ni Pangulong Marcos sa mga rebelde.

“Nananawagan ang kanilang mga pamilya ng hustiya. Subalit, hindi ito makakamit kung bibigyan natin ang mga teroristang grupo ng amnestiya, sa pamamagitan ng Proclamations 403 at 404,” pahayag ni Duterte.

Nilinaw naman ni Duterte na suportado niya ang mga hakbang na itaguyod ang kapayapaan sa bansa dahil personal para sa kanya ang laban kontra sa mga terorista.

“Pero hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan. Ang dapat nating gawin ay ipagpatuloy ang ating mga nasimulan sa NTF-ELCAC at mas palakasin pa ang mga ito. Panalo na tayo, lumalaban na ang mga komunidad,” pahayag ni Duterte.

“Mr. President, we can negotiate for peace and reconciliation and pursue meaningful development efforts in the Philippines without capitulating to the enemies,” dagdag ni Duterte.

 

Read more...