Pangulong Marcos positibo sa COVID-19

 

Nag-positibo sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office, base sa medical advise, kailangan na mag-isolate ni Pangulong Marcos ng limang araw.

Tiniyak naman ng PCO na fit ang Pangulo at patuloy na magagampanan ang kanyang tungkulin.

Katunayan, sinabi ng PCO na tuloy ang mga naka-schedule na meeting ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng teleconference.

Agad namang magbibigay ng update ang PCO sa publiko kaugnay sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Marcos.

Matatandaang nag-positibo na sa COVID-19 si Pangulong Marcos noong Marso 2020 at Hulyo 2022.

 

Read more...