Bukas sa kanyang muling pagharap sa Commission on Appointments (CA) ay inaasahan na magigisa muli si Health Secretary Ted Herbosa.
Noong Setyembre dahiol maraming miyembro ng CA ang nais magtanong at humingi ng paliwanag kay Herbosa sa ibat-ibang isyu, kinapos siya ng oras.
Ang mga tanong sa kanya ay ukol sa mga napakaraming isyu nang magsilbi siyang undersecretary ng kagawaran.
Ilang araw bago ang kanyang muling pagharap sa CA, sumingaw na naman ang namumuong iskandalo.
Papalitan ang IT provider ng DOH at ang papalit ay ang Philippine Payments and Clearing System (PhilPaCS), kung saan nagsisilbing chief executive officer (CEO) si Edgardo Herbosa.
Si Edgardo ay kamag-anak daw nitong si Sec. Ted. Kamusta naman kaya ang “conflict of interest?”
Hindi imposible na maging ugat na naman ng korapsyon.
Ang Alliance of Health Workers (AHW) sukdulan hanggang langit ang pagtutol kay Herbosa dahil sa pagiging anti-health worker, red-tagger at sa kanyang mga polisiya kung saan dehado ang mga mahihirap na pasyente.
Inungkat nila ang desisyon na “perpetual disqualification from holding public office” ng Office of the Ombudsman kay Herbosa kaugnay naman sa P392 million hospital modernization project.
Lumulutang ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez na padrino ni Herbosa dahil kapwa sila kasapi ng Upsilon Sigma Phi fraternity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.